Topak

Kapag weekdays, marami akong naiisip gawin pagsapit ng weekend. Makikipagkita sa mga kaibigan, magsusulat ng mga blog, itutuloy iyong sinimulan kong nobela… Weh? Nobela.

Pero seryoso, ang dami kong gustong gawin pero n’ong dumating ang weekend natulog lang ako ng dalawang araw. Nanood ng ilang video ng mga drag queens, kumain ng pakbet, at tumunganga.

Masama pakiramdam ko nitong mga nakaraang araw. Hindi ‘yong lagnat o tipikal na mga sakit na naiisip ng ibang mga tao, pakiramdam ko isa akong laruan na nawalan ng baterya’t gusto lang magmukmok sa isang tabi. Habang nagmumuni-muni ako sa gilid ng kwarto ko nitong maghapon, gusto kong bawiin lahat ng mga sinabi’t pinangako ko sa mga tao. Pakiramdam ko lasing ako buong linggo’t hindi totoo lahat ng mga pinagsasabi ng mga tao’t lahat ng mga sinasagot ko sa kanila.

Hindi na rin malinaw sa akin ang mga pangyayari. Pakiramdam ko hindi totoo mga nangyayari sa akin. Lumilipad ang utak ko araw-araw. Gusto ko lang matulog at saka magsulat. Gusto ko nang bumalik sa katinuan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.